
ARALIN #2: SI HESUS NA ANAK NG DIYOS
SAULUHING TALATA: Mateo 17:5 “Ito ang pinakamamahal kong Anak, Siya ang inyong pakinggan”
PAG-AARALANG TALATA: Mateo 17:1-9
PAMBUKAS NA PANALANGIN:
LAYUNIN: Upang ipaunawa sa mga bata na si Hesus ay anak ng Diyos na nasa Biblia ang katunayan.
PAGHAHANDA SA ARALIN:
Ipamahagi muli ang mga name tag. Sa inyong class record, markahan ang mga bata na bumalik.
Maaring ipaulit ang nakaraang kwento. (Maaring maglaan ng munting bagay ang guro bilang premyo sa mga nakasagot na bata.)
PANIMULA: Magtanong sa mga bata, halimbawa: Sino sa inyo ang anak ng guro,doctor, etc. Bawat isa sa atin ay may mga magulang na nag-aalaga at nagmamahal. Mapalad tayo kung ang ating mga magulang ay pareho pang buhay. Mahirap kapag nawala ang isa sa kanila. Hindi niyo baa lam na ipinagmamalaki tayo ng ating mga magulang? Kaya bilang anak dapat natin silang mahalin at igalang.
ARALIN SA BIBLIA:
Mateo 17:1-9
Sino ang nakakakilala kay Hesus? SI Hesus man ay may magulang din noong dumating Siya dito sa lupa bilang tao. Pumili Siya ng maari Niyang gawing magulang. Hindi Niya pinili ang mga hari o mayayaman, pinili Niya ang isang simpleng pamilya. Sina Jose na karpintero at si Maria na tumutulong lamang kay Jose sa paghahanap buhay. Ngunit si Hesus ay hindi ordinaryong tao. Hindi Siya tagarito sa lupa. Siya ay nakatira sa langit at sa panahong ito, Siya ay nandoon. Sa katunayan nakikita Niya tayo at Siya’y natutuwa na pinag-uusapan natin Siya ngayon.
Nasa Biblia ang katunayan na si Hesus ay Anak ng Diyos. (Ihanda ang larawan, maaring palakihin upang makita ng mga bata. Gupitin at idikit sa matigas na papel o karton at muling gupitin. Ihanda ag pagdidikitan.)
Maari nang simulan ang kwento. (Magtanong pagkatapos, maaaring gamitin muli ang mga larawan.)
SAULUHING TALATA: Mateo 17:5 “Ito ang pinakamamahal kong Anak, Siya ang inyong pakinggan”
IBA PANG GAWAIN: Maaaring turuan ang mga bata ng awiting ayon sa kwentong pinag-araalan.