
ARALIN #3: SI HESUS AY MANGGAGAMOT
SAULUHING TALATA: Exodo 15:26 “Ako ang PANGINOON na nagpapagaling sa iyo”
PAG-AARALANG TALATA: Lucas 18:35-43
PAMBUKAS NA PANALANGIN:
LAYUNIN: Upang ipaunawa sa mga bata na si Hesus ay hindi ordinaryong tao na kaya Niya gawin ang mga imposibleng bagay na makikita lamang sa isang Diyos.
PAGHAHANDA SA ARALIN:
Muling gawin ang mga ginagawa noong mga nakalipas na araw.
PANIMULA:
(Maghanda ang mga guro ng stethoscope, maaring totoo o laruan. Maaring dagdagan ito ng lan pang gamit para sa first aid). Tanungin ang mga bata kung sino na ang nagkasakit o nadala sa ospital. Hindi ba mahirap ang nararamdaman ng may sakit? Hindi ka makakain ng mabuti, hindi ka makapaglaro,etc. (Maaaring maglaro ng ilang sandal. Huwag masyadong matagal upang hindi maubos ang oras.) Kumuha ng bata na nagaganap na may sakit o doctor. Alalayan ng guro upang hind imaging magulo.
Tulad ng sinabi kanina, mahirap ang taong may sakit lalo na kung madadala sa ospital. Malaking pera ang kailangan. Madaling lunasan kapag ang sakit ay hindi pa malala katulad ng lagnat. Ngunit kapag ang sakit ay may malaking epekto sa katawan, tulad ng pagkawala ng paa, ito’y mahirap na sitwasyon. Hindi lamang may mga mga bagay na hindi magagawa kundi lolokohin ka pa ng iba.
Nguni tang kwento ngayon ay mas higit pang mahirap sa nawalan ng paa dahil siya ay isang bulag.
ARALIN SA BIBLIA:
Lucas 18:35-43
Bahagyang ikwento ang nasa talata. Ipaliwanag sa mga bata na si Hesus ditto ay ipinapakitang dakilang manggagamot at ito’y pagpapatunay na Siya’y tunay na Diyos. Tanungin muli ang mga bata ayon sa kwento.
Maaaring manawagan kung sino sa mga bata ang may sakit, ipanalangin sila at ipaliwanag na si Hesus ay nagpapagaling pa rin hanggang ngayon.
SAULUHING TALATA: Exodo 15:26 “Ako ang PANGINOON na nagpapagaling sa iyo”
IBA PANG GAWAIN: Kung meron pang oras, (maaaring) muli silang paglaruin ng doctor-doktoran. Maaari ring magkwento pa ng mga kwento tungkol sa pagpapagaling ni Hesus, maaaring ito’y sariling karanasan.