
ARALIN #4: SI HESUS NA MAKAPANGYARIHAN
SAULUHING TALATA: Deuteronomio 10:17 “ Siya (Hesus) ay Diyos na makapangyarihan”
PAG-AARALANG TALATA: Mark 4:35-41
PAMBUKAS NA PANALANGIN:
LAYUNIN: Upang maipaunawa sa mga bata na si Hesus ay makapangyarihan sa lahat. Ito’y pinatunayan ng Kanyang mga gawa.
PANIMULA:
Sino dito ang nakadarama ng takot? Maaaring tanungin nag mga bata kung saan sila natatakot at bakit. Ipaliwanang sa mga bata na ang pagkatakot ay normal sa tao. Ngunit sa bawat pagkatakot natin, naroroon ang Diyos upang ipaunawa na alisin natin ang takot sapagkat Siya ay makapangyarihan at kaya Niyang kontrolin ang lahat ng bagay.
ARALIN SA BIBLIA:
Mark 4:35-41
Ihanda ang gagamiting larawan. Maaring palakihin ito. Gupitin at idikit sa karton na korteng Bangka. Habang nagkukwento, igalaw ang larawan ayon sa sitwasyong nagaganap sa kwento.
Tanungin muli ang mga bata bago simulant ang kwento. Sino ang nakasakay na sa Bangka o barko? ‘Di ba masarap sumakay ditto, lalo na kung makikita moa ng mga magagandang nilikha ng Diyos. Ngunit hindi maganda sumakay ditto kapag malakas ang alon, lalo na kung may bagyo dahil ito ay delikado at maaaring magdulot ng pagkamatay o pagkapahamak ng mga nakasakay sa Bangka o barko.
Bahagya pang palawakin ang kwento sa pagtutok sa katangian ng Diyos (Hesus) bilang makapangyarihan dahil walang ibang makapipigil sa bagyo kundi ang Diyos na makapangyarihan lamang, si Hesus.
SAULUHING TALATA: Deuteronomio 10:17 “ Siya (Hesus) ay Diyos na makapangyarihan”
IBA PANG GAWAIN: Maaaring ulitin ang palaro kung meron pang oras.
PAGTATAPOS NA DALANGIN