
ARALIN #5: SI HESUS NA TAGAPAGLITAS
SAULUHING TALATA: Juan 3:16
PAG-AARALANG TALATA: Mateo 26:39& 57; Mateo 27:27-37
PAMBUKAS NA PANALANGIN:
LAYUNIN: Upang maipaunawa sa mga bata na si Hesus ay namatay para sa ating mga kasalanan upang tayo’y maligtas.
PAGHAHANDA SA ARALIN:
Ipakita ang mga larawan ng mga batang nangangailangan ng tulong ng ibang tao. Hayaang sumagot ang tinawag na bata. Ipaliwanag pa ng maayos ang kanilang mga sagot. Maaari pang dagdagan ang mga larawan.
PANIMULA:
Katulad ng mga larawang nakita, bilang tao, kinakailangan natin ang tulong ng ibang tao. Lalo na kung ito ay tungkol sa kaligtasan. Totoo, pwede tayong tulungan ng sinumang tao sa ilang paraan ngunit may isang bagay na ang Diyos lamang ang maaaring magligtas sa atin. (Balikan ang Aralin 1 kung paano ibinigay ng Diyos ang daigdig sa atin at kung paano nakapasok ang kasalanan.
ARALIN SA BIBLIA:
Mateo 26:39&57; Mateo 27:27-37
Palakihin ang larawan, kulayan, gupitin at idikit sa karton at muling gupitin. Ipakita ang larawan habang nagkukwento.
Tanungin ang mga bata pagkatapos. Importanteng maunawaan nila ang tungkol sa kaligtasan.
SAULUHING TALATA: Juan 3:16 “ Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa iyo at sa akin na ibinigay Niya ang Kanyang Anak…” (sa susunod ang kasunod/karugtong)
IBA PANG GAWAIN: Muling ipakita sa mga bata ang larawan ng kwento. Guluhin ang ayos nito. Pumili ng apat na bata. Bigyan sila ng mga numero. Hayaang ilagay ng bata sa tapat ng larawan ang tamang pagkakasunod-sunod ng kwento. Tanungin ang mga bata kung ano ang ibig sabihin ng mga larawan.
PAGTATAPOS NA DALANGIN: Patanggapin muna ang mga batang may sapat na gulang upang maunawaan ang kaligtasan bago tuluyang magtapos.