ARALIN #7: SI HESUS BILANG HUKOM
1 min read

ARALIN #7: SI HESUS BILANG HUKOM

SAULUHING TALATA: Juan 3:16

PAG-AARALANG TALATA: Juan 5:27

PAMBUKAS NA PANALANGIN:

LAYUNIN: Upang ipaunawa sa mga bata na si Hesus ay Diyos na mapagmahal ngunit humahatol din.

PAGHAHANDA SA ARALIN: 

(Ipakita ang larawan ng isang hukom) HUKOM- taong binibigyang kapamahalaan ng pamahalaan upang magkaroon ng karapatang magpasya kung ang tao ay nararapat na parusahan o pawalang sala.

Ito ay hindi madaling Gawain sapagkat alam ng hukom na kung magpasya siyang maparusahan ang tao, tiyak na makararanas ng paghihirap sa loob ng bilangguan. Ngunit kahit mahirap, kailangan niya itong gawin.

PANIMULA: 

Jpakita ang mga larawan at ibahagi ang maikling kwento. Maaaring ipaliwanag pa ng mas malinaw upang higit na maunawaan ng bata.

ARALIN SA BIBLIA: 

Tukad ng kabataan sa kwento, tayo man ay nagkasala rin. (Muling ipakita ang puso na ginamit noon nakaraang aralin). Ngunit dahil sapag-ibig ng Diyos sa tao, namatay si Hesus sa ating mga kasalanan. Tulad na abugado sa kwento, tayo man pinagtanggol ng Paniginoong Hesus. Subalit, tulad ng kabataan, dumating ang panahon na dapat siya’y mahatulan. Sa ngayon, ang Diyos ang punong-puno ng pagkakataon sa tao upang makapagsisi at makalapit sa Kanya. Ngunit, darating ang panahon na Siya ay magiging hukom (Juan 5:27) at lahat ay haharap sa trono ng Diyos. Hahatulan tayo. Ang makasalanan ay parurusahan ngunit ang sumasampalatay sa Panginoong Hesus ay may buhay na walang hanggan. Kaya dapat habang bata pa at may panahon, maglingkod na tayo sa Panginoon.

SAULUHING TALATA: Juan 3:16 (balikan ang unang bahagi sa Aralin 5 at idugtong ang kasunod)”…. Upang ang sumasampalataya at hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan”.

IBA PANG GAWAIN: Pag-aralan ang awiting gagamitin sa pagtatapos (Graduation)

PAGTATAPOS NA DALANGIN: 

Worksheet