
ARALIN #1: SI HESUS NA MANLILIKHA
SAULUHING TALATA: Awit 19:1 “Ang kalangitan ay nagpaphayag ng kaluwalhatian ng Diyos.”
PAG-AARALANG TALATA: Genesis 1:1-28
PAMBUKAS NA PANALANGIN:
LAYUNIN: Upang ipaunawa sa mga bata na si Hesus ay makapangyarihan at totoong Diyos. Makikita ito sa kanyang mga nilikha.
PAGHAHANDA SA ARALIN:
Dahil ito ang unang pagkakataong makita niyo ang mga bata, maglaan ng oras upang sila’y unyong makilala. Bigyan sila ng ID o name tag. Pagkatapos ng lesson, kunin uli ang name tag upang magamit pa sa mga susunod na araw.
GAWIN NG GURO: Gupitin ang larawan ng paglikha, idikit ito sa matigas na papel o karton at muling gupitin. Lagyan ng tape ang likod at maghanda rin ng manila paper.
PANIMULA: Ipakita sa nga bata ang paligid. Ano ang mga bagay na napapansin nila? (Maaring simulant ditto ang kwento)
ARALIN SA BIBLIA:
Genesis 1:1-28
Papikitin ang mga bata. Itanong kung ano ang kanilang nakikita? Maari na nilang buksan ang kanilang mga mata.
Noon, ganito ang daigdig. Madilim,walang korte, porma o hitsura at walang kagandahan. Hanggang likhain ng Diyos ang lahat ng mga bagay. (Gamitin ang mga ginupit na larawan at isa-isang idikit ito habang sinasabi ang nagaganap sa kwento.) NOTE: Kapag sa paglikha na ng tao, ipaliwanag na hindi si Malakas at Maganda ang unang tao at hindi rin sila galling sa kawayan tulad ng natutunan nila sa paaralan.
Tanungin ang mga bata pagkatapos ng kwento. Gamitin muli ang mga idinidikit na larawan.
SAULUHING TALATA: Awit 19:1 “Ang kalangitan ay nagpaphayag ng kaluwalhatian ng Diyos.”
IBA PANG GAWAIN: Kung meron pang oras, maaring maglaro ang mga bata. Mag-isip ng laro na naaayon sa saralin nagyon.
PAGTATAPOS NA DALANGIN: