
ARALIN #6: SI HESUS NA TAGAPAMAGITAN
SAULUHING TALATA: 1 Timoteo 2:5
PAG-AARALANG TALATA: Roma 3:10-12,23; Roma 6:23
PAMBUKAS NA PANALANGIN:
LAYUNIN: Upang malaman ng mga bata na ang kasalanan ay may kabayaran ngunit si Hesus ay namagitan upang tayo’y maligtas.
PAGHAHANDA SA ARALIN:
Itanong kung sino ang napalo na. Bakit? Ipaunawa na may nakalaang parusa sa kasalanan o maling ginawa.
PANIMULA:
Ihanda ang puting puso. Gupitin ang kasalanan at idikit sa itim na papel. Muli itong gupitin na nakalabas ang itim na bahagi. Tumawag ng batang magdidikit ng kasalanan sa puso. Ipaliwanag ang bawat kasalanan. Ipaliwanag na dahil sa kasalanan ay narurumihan ang puso at hindi ito nagiging mabuti sa paningin ng Diyos.
ARALIN SA BIBLIA:
Roma 3:10-12,23; Roma 6:23
(Ipakita ang ilustrasyon) Ipaliwanag ang kagandahan ng relasyon ng tao sa Diyos. Ngunit ng matutong magkasala ang tao, nahiwalay ang tao sa Diyos at nagkaroon ito ng kamatayan. (Ipaliwag ang ikalawang kamatayan. PISIKAL-ILILIBING at ESPIRITUWAL-PAGKAWALA NG RELASYON SA DIYOS) Roma 6:23> Dahil sa kasalanan, ang tao ay mapapahamak sa impyerno. Hindi na tayo makakalapit sa Diyos. Ngunit sa pag-ibig ng Amang Diyos sa tao, ibinigay Niya ang Kanyang Anak na si Hesus upang tayo’y maligtas (ikalawang bahagi ng Roma 6:23). Walang ibang makatutulong sa atin kundi si Hesus. (Huwag tukuyin ang tungkol sa diyos-diyosan, isentro ang pag-aaral kay Hesus). Magtanong pagkatapos.
(Isa-isang alisin ang mga kasalanan sa puso habang ipinapaliwanag ang huling bahagi g Roma 6:23). Muli tayong nalinis sa pagtanggap natin kay Hesus at makalalapit na muli tayo sa pamamagitan ng Panginoon Hesus.
SAULUHING TALATA: 1 Timoteo 2:5 “Iisa ang tagamapagitan sa Diyos at sa tao, si Hesus na naghandog ng Kanyang buhay upang tubusin ang lahat”
IBA PANG GAWAIN: Maaari nang mag-aral ng awiting gagamitin sa pagtatapos (graduation)
PAGTATAPOS NA DALANGIN: Muling tanungin ang mga bata kung sino ang gusting tumanggao kay Hesus bago tuluyang magtapos.